[Intro]
Oh, oh, oh
[Verse 1]
Maraming araw sa ating buhay
Ang hinahanap may kalayuan
‘Di man tanaw, ‘di nauubusan
Ng tiwala sa sarili’t lakas ng dasal
[Verse 2]
Alam mong sa dulo ng bawat taon
Naghihintay ang masayang panahon
(Pinapawi) Lahat ng lumbay
(Pangungulila) At paghihintay
[Pre-Chorus]
Ang damdamin ay tumatawid
Sa lupa, sa dagat, o sa langit
Mainit na palad sa gabing malamig
Pinaglalapit ng pag-ibig
[Chorus]
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Inaangat ang isa’t-isa
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Saan man sa mundo
Da best ang Pasko ng Pilipino
[Verse 3]
Anumang pinagdaanang, may kabigatan
Wala naman tayong ‘di nakayanan
Nasaan ka man, walang maiiwanan
Ang bawat isa ang ating tahanan
[Pre-Chorus]
Ang damdamin ay tumatawid
Sa lupa, sa dagat, o sa langit
Mainit na palad sa gabing malamig
Pinaglalapit ng pag-ibig
[Chorus]
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Inaangat ang isa’t-isa
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Saan man sa mundo
Da best ang Pasko ng Pilipino
[Bridge]
Lumalaki ang bawat puso
Lumalalim ang pagsasama
Sa pinakamahaba
Pinakamasayang Pasko sa mundo
[Chorus]
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Inaangat ang isa’t-isa
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Saan man sa mundo
Da best ang pasko ng Pilipino
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Pagmamahal ang pinagsasaluhan
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Inaangat ang isa’t-isa
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Panginoon ang laging kasama
Ito ang Pasko (Ng Pilipino)
Saan man sa mundo
Da best ang Pasko ng Pilipino
[Outro]
Da best ang Pasko
Da best ang Pasko ng Pilipino